May damage na relief goods ipinasasauli sa DSWD
Naglabas ng abiso ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga evacuees na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.
Ayon sa DSWD, kung sakaling nakatanggap sila ng ‘damaged’ o ‘low-quality’ na relief items lalo na kung ito ay pagkain ay agad itong isauli sa DSWD.
Sinabi ng DSWD na maaring ibalik ang relief sa officer-in-charge sa evacuation center.
Paliwanag ng DSWD, lahat ng relief goods ay sumasailalim sa inspeksyon para matiyak ang kalidad ng mga ito.
Gayunman, kung magkakaroon ng pagkakataon na may makikitang damaged at low quality food items ang mga evacuees ay agad itong papalitan.
Siniguro din ng DSWD na may sinusunod silang standards sa paghahanda at pag-repack ng mga relief items.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.