Karagdagang tauhan at gamit, itatalaga ng DPWH sa Batangas at Southern Tagalog

By Angellic Jordan January 15, 2020 - 06:35 PM

Magtatalaga ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng karagdagang tauhan at kagamitan sa mga apektadong lugar sa Batangas at ilang parte ng Southern Tagalog.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang dagdag na deployment ay mula sa DPWH NCR, Regions 1, 3, 4B, 5, 8, at 10,

Binati naman ng kalihim ang lahat ng opisyal ng kagawaran at field workers sa rehiyon na boluntaryong umasiste sa isinasagawang clearing operations sa mga lugar na apektado ng pag-alboroto ng Bulkang Taal.

“We’d like to commend the DPWH officials and field workers from other Regions who have volunteered to assist our clearing operation in areas affected by Taal Volcano eruption. This is not under their jurisdiction but they have opted to still extend help to our affected kababayans,” ani Villar.

Mamamahagi rin ang DPWH ng 1,200 N95 face masks at relief goods sa mga inilikas na residente.

Ipamimigay ang mga face mask ng District Engineering Offices ng DPWH National Capital Region.

Mayroon namang ipinadalang dalawang trak at dalawang service vehicles ang DPWH Camarines Norte District Engineering Office para sa relief goods.

Patungo ring Batangas ang ilang trak ng DPWH Region 5 para ipadala ang 5,000 relief food packs mula naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office 5.

Pinaalala naman ni Villar ang pananatili ng ‘bayanihan-spirit’ tuwing panahon ng kalamidad.

“During calamities, we are again reminded that with ‘bayanihan’, we are able to help and save a lot more lives,” dagdag ng kalihim.

TAGS: Bulkang Taal, clearing operations in Batangas, DPWH, pag-alboroto ng Bulkang Taal, Sec. Mark Villar, Bulkang Taal, clearing operations in Batangas, DPWH, pag-alboroto ng Bulkang Taal, Sec. Mark Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.