Binabantayang LPA sa loob ng bansa, malulusaw na sa susunod na mga oras – PAGASA
Malulusaw na ang binabantayang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA.
Sa weather update bandang 4:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Ariel Rojas na huling namataan ang LPA sa layong 150 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Mababa pa rin aniya ang tsana na lumakas ito at maging isang bagyo.
Malulusaw na aniya ang LPA sa mga susunod na oras.
Samantala, sinabi ni Rojas na naputol na ang tail end ng cold front.
Gayunman, makararanas pa rin aniya ng mga pag-ulan sa bahagi ng North Eastern part ng Luzon at Eastern Visayas bunsod ng Northeast Monsoon o Amihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.