105 pasyente naospital matapos ang pagsabog ng Bulkang Taal
Umabot na sa 105 pasyente ang nadala sa mga pagamutan matapos ang pagputok ng Bulkang Taal.
Sa datos ng Department of Health (DOH) sinabi ni Undersecretary Eric Domingo ang 105 pasyente ay na-admit sa mga pagamutan dahil sa hypertension at pulmonary complaints.
Sa nasabing bilang 16 ang agad na na-confine sa ospital pagkatapos na pakatapos ng pagsabog ng Taal Volcano.
Samantala sinabi ni Domingo na aabot sa P5.4 million na halaga ng mga gamot at supplies ang naipagkaloob na ng DOH at nailipat sa kanilang units sa Calabarzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.