Oratio Imperata, dasal para sa nag-aalburutong Bulkang Taal – Fr. Siapco
Oratio Imperata ang ipinapangsanggalan ng Archdiocese ng Lipa para sa nag-aalburutong Bulkang Taal.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Father Jayson Siapco, executive director ng Lipa Archdiocessan Social Action Commission (LASAC) na dinadasal ang Oratio Imperata sa mga simbahan sa Batangas.
Sinabi pa ni Father Siapco na ang naturang panalangin ay dinadasal tuwing panahon ng sakuna.
Kasabay nito, nanawagan si Father Siapco sa mga gustong mag-volunteer na may sasakyan para madala ang mga relief good sa mga evacuee.
Maari lamang aniyang tumawag sa 0917-508-9701.
Sa ngayon, tubig, pagkain, kumot, hygiene kit, towel at face mask ang kailangan ng mga evacuee.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.