WATCH: Bulkang Taal nagbubuga pa rin ng makapal na abo
Patuloy sa pagbubuga ng abo ang Bulkang Taal ngayong umaga ng Martes, Jan. 14.
Sa video na kuha ng Radyo Inquirer, patuloy sa paglalabas ng makapal na usok mula sa main crater ng bulkan.
Samantala sa inilabas na latest Taal Volcano Bulletin ng PHIVOLCS, sa nakalipas na 24 na oras ay tuloy ang aktibidad ng bulkang Taal.
Kabilang dito ang pagtatala ng lava fountains na umabot sa 500-meters ang taas.
Nagdulot ito ng heavy ashfall sa mga bayan ng Lemery, Talisay, Taal at Cuenca sa Batangas.
Patuloy din ang naitatalang volcanic earthquakes na nagdudulot ng Intesity I hanggang V.
Kahapon, January 13 sinabi ng Phivolcs na umabot sa average na 5,299 tonnes sulfur dioxide emission ng bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.