Volcanic earthquake magkakasunod pa ring naitatala sa Batangas
Magkakasunod pa rin ang nararanasang volcanic earthquake sa Batangas dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ang epicenter ng mga naitatalang lindol ay sa mga bayan ng Agoncillo, Laurel, Talisay, Calaca, Lemery, Mataas na Kahoy sa Batangas at sa Tagaytay City.
Alas 12:21 ng madaling araw nang maitala ang magnitude 3.1 sa Agoncillo, Batangas.
Magnitude 3.4 na pagyanig naman ang tumama sa Tagaytay City, ala 1:14 ng madaling araw.
Makalipas lang ang ilang minuto, ganap na ala 1:18 ng madaling araw ay muling niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bayan ng Agoncillo.
Alas 2:05 naman ng madaling araw nang tumama ang magnitude 3.9 na lindol sa bayan ng Talisay.
Sa nasabing pagyanig ay naitala ang intensity IV sa Tagaytay City, at Intensity I sa Pasig City at Malabon City.
Niyanig din ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Calaca alas 2:40 ng madaling araw.
Magnitude 3.3 naman ang tumama sa Laurel, Batangas alas 2:51 ng madaling araw at magnitude 3.6 sa Taal, Batangas alas 2:58 ng madaling araw.
Sa pagitan ng alas 4:09 ng umaga hanggang alas 4:55 ng umaga ay magkakasunod na magnitude 3.3 at dalawang 3.1 ang naitala sa Agoncillo.
Pawang hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing mga pagyanig na naranasan sa Batangas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.