Trabaho sa NCR at Region 3, balik-normal na; Klase at trabaho sa Batangas, suspendido pa rin
Balik na sa normal ang pasok sa trabaho sa National Capital Region (NCR) at Region 3 sa araw ng Martes, January 14.
Sa abiso ng Palasyo ng Malakanyang mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea, balik-normal na ang trabaho sa government offices sa NCR at Central Luzon.
Ang suspensyon naman ng klase ay nasa pagpapasya na aniya ng mga local executive na higit na nakakaalam ng sitwasyon sa kani-kanilang nasasakupan.
Samantala, sinabi ni Medialdea na mananatili namang suspendido ang klase sa lahat ng antas at trabaho ng gobyerno sa probinsya ng Batangas sa Martes.
Hindi naman umiiral ang suspensyon sa mga ahensya ng gobyerno na nasa frontline response team gaya na lamang ng mga nasa disaster response, delivery of basic and health services at iba pang vital services.
Muli namang hinimok ng Palasyo ang mga pribadong sektor na magsuspinde rin ng pasok para sa kaligtasan ng kani-kanilang empleyado.
Antabayan aniya ang magiging abiso kung kailan babalik sa normal ang pasok ng klase at trabaho sa nasabing probinsya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.