Ihip ng abo ng Bulkang Taal, patungong Quezon – PAGASA
Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa Quezon dahil southwest na ang direksyon ng hangin sa susunod na 24 oras dahilan para mapunta sa kanila ang abo na ibinubuga ng Bulkang Taal sa Batangas.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PAGASA weather forecaster Ana Clauren na naka-focus sa Quezon ang concentration ng kaulapan.
Samantala, sinabi ni Clauren na isang low pressure area (LPA) ang binabantayan ngayon ng PAGASA.
Ayon kay Clauren, huli itong namataan sa 755 kilometers Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Magdadala aniya ng maulap at kalat-kalat na pag-ulan ang LPA sa Caraga region at Eastern Visayas.
Ayon kay Clauren, ang tail end ng cold front naman ang magdudulot ng maulap na kalangitan at pulo-pulong pag-ulan sa Northern Luzon.
Wala namang gale warning na inilabas ang PAGASA kung kaya malayang pumalaot ang mga maliliit na sasakyang pangdagat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.