DENR, umapela sa publiko na huwag sasaktan ang endangered species na Hornbill na pinarami sa Taal Volcano
Nanawagan si DENR Undersecretary Benny Antiporda sa publiko na makakakita ng Hornbill o iba pang uri ng ibon na mula sa Taal Volcano na huwag silang saktan.
Ayon kay Antiporda, ang Hornbill ay itinuturing na endangared species at pinarami sa Taal. Inaasahan kasi aniyang mapunta ito sa syudad matapos tumakas sa pagputok ng Taal Volcano.
Kung sakaling makakita at kayang hulihin, apela ni Usec. Antiporda na i-turnover na lamang ito saan mang tanggapan ng DENR.
Samantala, hinihikayat rin ni Usec. antiporda ang publiko na panatilihin ang pagsusuot ng facemask kahit wala ng smug.
Dahil delikado pa rin sa katawan ng tao ang mga particle mula sa ash fall na binaksak ng pagputok ng Taal Volcano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.