PNP, nakataas na sa full alert status kasunod ng pagsabog ng Bulkang Taal

By Angellic Jordan January 13, 2020 - 02:42 PM

Nakataas na sa full alert status ang Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Sa inilabas na pahayag, ipinag-utos ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa ang full alert status sa lahat ng unit at office ng kanilang hanay.

Pinaghahanda rin ang National Supports Units, PRO3, PRO4A at NCRPO na maging handa sa posibleng karagdagang deployment ng mga pulis para umasiste sa disaster at relief operations.

Pinahihigpit din sa mga pulis ang seguridad sa Clark Airport matapos ma-divert ang ilang biyahe mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Samantala, nagpadala na ang NCRPO ng anim na trak para makatulong sa paglilikas ng mga residente sa Talisay, Batangas.

TAGS: epekto ng pagsabog ng Bulkang Taal, full alert status, Lt. Gen. Archie Gamboa, PNP, epekto ng pagsabog ng Bulkang Taal, full alert status, Lt. Gen. Archie Gamboa, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.