Manila Water nagpadala ng 30 water tankers sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal

By Dona Dominguez-Cargullo January 13, 2020 - 12:37 PM

Nagpadala ng 30 water tankers ang Manila Water para magkaloob ng malinis na tubig sa mga pamilyang inilikas dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.

Ang mga tankers ng Manila Water ay ipinadala sa tatlong bayan sa lalawigan ng Batangas.

Apat na tanker ang ipinadala na sa Poblacion Balele West Covered Court, Poblacion Gloria, at Tanauan City Gym 2 sa Tanauan City.

Dalawa pang tanker ang dadalhin sa PUP Gymnasium sa Sto. Tomas at anim na tankers sa Bolbok Provincial Sports Complex sa Batangas City.

Humiling din ng tankers mula sa Manila Water ang San Luis Municipal Hall at Taal Municipal Hall sa Batangas at bayan ng Alfonso sa Cavite.

Ang iba pang water tankers ay naka-standby para sa deployment sa iba pang evacuation sites.

Samantala, magpapadala din ang Manila Water Foundation (MWF) ng 2,000 units ng 5-gallon bottles ng potable water sa mga evacuation centers.

TAGS: ashfall, evacuation centers, Inquirer News, manila water, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine News, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, water tankers, ashfall, evacuation centers, Inquirer News, manila water, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine News, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, water tankers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.