“Laging Handa Operations” ng PCOO, activated na dahil sa pagputok ng Bulkang Taal

By Chona Yu January 13, 2020 - 10:34 AM

@ftjochoaINQ
Dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Taal, activated na ang “Laging Handa Operations” ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, sa ilalim ng “Laging Handa Operations”, mabibigyan ng integrated delivery of information ang publiko sa pamamagitan ng lahat ng government media.

Sinabi pa ni Andanar na inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan na ilikas na ang mga residente na nasa danger zone at tiyaking maayos ang ugnayan sa provincial government para masigurong magiging maayos ang evacuation.

Hinihikayat aniya ng palasyo ang lahat na makipagtulungan sa pamahalaan at manatiling alerto para sa masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

TAGS: ashfall, Inquirer News, laging handa operations, pcoo, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine News, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, ashfall, Inquirer News, laging handa operations, pcoo, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine News, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.