MMDA contingent team tumutulong sa paglilikas ng mga residente sa Batangas
By Dona Dominguez-Cargullo January 13, 2020 - 10:25 AM
Nagtalaga ng 30 mga tauhan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Batangas para tumlong sa paglilikas ng mga residente.
Ipinag-utos ni MMDA Chairman Danilo Lim ang pagpapadala ng team sa Batangas para tulungan ang mga residenteng kailangang ilikas.
Mayroon ding 3 military trucks, 2 ambulansya at 2 fire trucks na ipinadala ang MMDA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.