Mga bayan ng Talisay, Laurel, Agoncillo, at San Nicolas sa Batangas pinakamatinding naapektuhan ng ashfall

By Dona Dominguez-Cargullo January 13, 2020 - 08:14 AM

Ang mga bayan ng Talisay, Laurel, Agoncillo, at San Nicolas sa lalawigan ng Batangas ang pinakamatinding naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon kay Joselito Castro pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nagpapatuloy pa ang paglilikas sa mga residente sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.

Sa pinakahuling datos ng Batangas PDRRMO, umabot na sa 2,534 ang bilang ng pamilyang apektado o katumbas ng 13,883 na indibidwal.

Sinabi ni Castro na nagiging hadlang sa ginagawang evacuation ang makapal na abo na nagmumula sa bulkan na nagdudulot ng zero-visibility.

Patuloy ang panawagan ng Batangas Provincial Government sa mga mamamayan na mag-ingat sa masamang epekto sa kalusugan ng abong mula sa bulkan.

Sa mga nasa loob ng danger zone, pinapayuhan na sumunod sa abiso ng otoridad tungkol sa evacuation.

TAGS: ashfall, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine News, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, ashfall, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine News, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.