Daan-daang residente ng Taal, Batangas nagpapalikas sa LGU

By Dona Dominguez-Cargullo January 13, 2020 - 06:37 AM

Inuulan na ng daan-daang tawag at text messages ang rescue hotline numebr ng Taal Local Government.

Ayon kay Taal Mayor Pong Mercado, nasa 300 tawag na ang kanilang tinanggap sa 09454193219 kaya humihingi sila ng paumanhin sa mga hindi nasasagot.

Tiniyak ni Mercado na darating ang rescue sa mga residenteng humihingi ng tulong.

Ani Mercado, nanghiram na sila ng 14 na sasakyan mula sa Maynila para tumulong sa rescue operations.

Pansamantala, habang naghihintay ng rescue pinayuhan ni Mercado ang mga residente na manatili muna sa loob ng kani-kanilang mga tahanan.

Marami nang residente ng Taal ang nasa Batangas Sports Complex sa Batangas City.

 

TAGS: Evacuation, Inquirer News, Mt Taal, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, taa volcano, Taal Batangas, Tagalog breaking news, tagalog news website, Evacuation, Inquirer News, Mt Taal, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, taa volcano, Taal Batangas, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.