Magnitude 4.1 na lindol tumama sa Agoncillo, Batangas

By Dona Dominguez-Cargullo January 13, 2020 - 05:34 AM

Tuluy-tuloy ang nararanasang pagyanig sa Batangas bunsod ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Alas 4:08 ng umaga ng Lunes, Jan, 13 ay naitala ang magnitude 4.1 na lindol sa Agoncillo, Batangas.

Ang epicenter ng pagyanig ay sa layong 7 kilometers north west ng Agoncillo.

Bago ito ay naitala rin ang magkasunod na magnitude 4.1 at 4.0 na lindol sa bayan ng Agoncillo alas 3:11 ng madaling araw at alas 3:24 ng madaling araw.

Samantala, alas 4:18 ng umaga ay naitala din ang magnitiude 3.1 na lindol sa bayan ng Laurel, Batangas.

Habang nakapagtala ng magnitude 3.2 na lindol sa Tagaytay City, alas 4:31 ng umaga.

TAGS: Inquirer News, Mt Taal, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine News, Tagalog breaking news, tagalog news website, volcanic quake, Inquirer News, Mt Taal, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine News, Tagalog breaking news, tagalog news website, volcanic quake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.