BREAKING: Pasok sa gobyerno sa NCR, CALABARZON at Central Luzon suspendido na ngayong Lunes, Jan. 13
Sinuspinde na ng Palasyo ng Malacañang ang pasok sa klase sa lahat ng antas at sa mga tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region (NCR), CALABARZON at Central Luzon dahil sa pagputok ng Taal Volcano.
Ayon sa Malacañang, ang suspensyon ay inirekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa kaligtasan ng publiko.
Hindi naman kasama sa suspensyon ang mga nasa disaster response at pagbibigay ng basic and health services at ang iba pang mahahalagang serbisyo.
Pinayuhan na rin ang pribadong sektor na magsuspinde ng trabaho para sa kaligtasan ng kanilang mga manggagawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.