LOOK: Ash fall bunsod ng pag-alboroto ng Bulkang Taal, umabot na sa Metro Manila at ilang lalawigan

By Angellic Jordan January 12, 2020 - 10:29 PM

Umabot na ang ash fall mula sa Bulkang Taal sa ilang parte ng Metro Manila at ilang karatig-lalawigan ng bulkan.

Nakaranas nito makaraang magkaroon ng phreatic eruption ang bulkan simula Linggo ng hapon.

Sa larawang kinuha ni Marian Cabilugan, nakikita ang abo sa kaniyang balikat habang siya ay nasa Alabang Town Center sa Muntinlupa.

Makikita ring puno ng abo ang isang upuan sa loob ng bahay ni Valerie Chan sa Las Piñas City.

Nakunan ang mga larawan pasado 6:00 ng gabi.

Sa bahagi naman ng Makati City, batay sa video ni Christine Borbolla, nakaranas din ng ash fall sa kanilang lugar bandang 7:10 ng gabi.

Samantala, umabot din ang makapal at maitim na ulap sa bahagi ng San Pedro, Laguna na kuha ni Daphney Jordan at Dasmariñas, Cavite.

Maliban dito, nakaranas naman ng pag-ulan na may kasamang maliliit na bato sa bahagi ng Tagaytay, Cavite at Barangay Ambulong sa gilid ng Taal Lake.

Makikita naman sa video ni Sam Rigby sa bahagi ng Tagaytay ang sabay na pagkidlat at pagbuga ng abo ng bulkan.

Ganito rin ang video na nakuhanan ni Dustin Jordan mula sa Anilao, Batangas at Jaime Sto. Domingo sa Batangas.

Nasilayan naman sa bahagi ng Puerto Galera ang mala-kabuteng hugis ng makapal na abo mula sa nasabing bulkan sa kuha ni Sofia Paguio Bennett.

Itinaas ng Phivolcs sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal bandang 7:30 ng gabi.

TAGS: ash fall sa Dasmariñas Cavite, ash fall sa Metro Manila, ash fall sa San Pedro Laguna, Bulkang Taal, pag-alboroto ng Bulkang Taal, phreatic eruption, ash fall sa Dasmariñas Cavite, ash fall sa Metro Manila, ash fall sa San Pedro Laguna, Bulkang Taal, pag-alboroto ng Bulkang Taal, phreatic eruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.