CHR, mag-iimbestiga sa pagpatay kay ex-Cong. Mendoza
Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang brutal na pagpatay kay dating Batangas 2nd District Rep. Edgar Mendoza.
Natagpuang sunog ang katawan ni Mendoza kasama ang bodyguard nito na si Ruel Ruiz at drayber na si Nicanor Mendoza sa loob ng sasakyan sa Tiaong, Quezon.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia na ang insidente ay isang “deplorable display of barbarity and cruelty.”
Tutol aniya ang CHR sa karumal-dumal na pagpatay sa kogresista at dalawang iba pa tulad ng iba pang vigilante killings laban sa mga kasalukuyan at nagdaang opisyal ng gobyerno.
Dahil dito, inatasan na aniya ang CHR Region 4-A na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa insidente.
Muli namang hinikayat ng CHR ang mga law enforcement agency na mabilis na umaksyon para mabigyan ng hustisya ang pagkasawi ni Mendoza at dalawang iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.