Presyo ng diesel, kerosene magkakaroon ng rollback sa susunod na linggo

By Angellic Jordan January 11, 2020 - 04:26 PM

(UPDATED) Magpapatupad ng tapyas sa presyo ng ilang produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Sa abiso ng Shell at Cleanfuel, may bawas na P0.20 sa kada litro ng kanilang diesel.

Sinabi naman ng Shell na may kaltas ding P0.30 sa kada litro ng kerosene o gaas.

Wala namang magiging pagbabago sa presyo ng gasolina.

Epektibo ang oil price adjustment ng Cleanfuel sa araw ng Linggo, January 12, bandang 4:01 ng hapon.

Sinabi naman ng Shell na epektibo ang rollback sa araw ng Martes, January 14, bandang 6:00 ng umaga.

Inaasahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang kumpanya ng langis ng kanilang ipatutupad na oil price adjustment.

TAGS: businesss, diesel, kerosene, oil price rollback, Shell, businesss, diesel, kerosene, oil price rollback, Shell

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.