Angkas naglinaw sa bagong polisiya sa mga overweight na pasahero

By Dona Dominguez-Cargullo January 10, 2020 - 06:53 PM

Nagbigay ng paglilinaw ang motorcycle ride hailing app na Angkas hinggil sa dagdag na Weight Safety Check sa kanilang app.

Ayon sa pahayag ng Angkas, kaligtasan lamang ng kanilang riders at pasahero ang layunin nito.

Ibinase aniya ito sa pakikipag-usap noon ng Angkas sa Department of Transportation (DOTr) nang mag-umpisa ang pilot testing para sa motorcycle taxis noong June 2019.

Ang layunin umano ng Angkas ay matiyak na ang bawat bookings ay mahahanapan ng nararapat na bike at biker.

Tiniyak din ng Angkas na lahat ng sensitibong datos ng pasahero ay naiingatan.

Ang Weight Safety Check ay idinagdag ng Angkas sa kanilang app kung saan kailangan nang ideklara ng pasahero ng weight range nito.

TAGS: Angkas, Breaking News in the Philippines, dotr, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Weight Safety Check, Angkas, Breaking News in the Philippines, dotr, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Weight Safety Check

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.