Red Cross magbibigay ng $100,000 donasyon sa Australia
By Dona Dominguez-Cargullo January 10, 2020 - 04:47 PM
Magbibigay ng donasyon na $100,000 ang Philippine Red Cross sa Australia na nasalanta ng bush fire.
Ayon kay Red Cross chairman, Senator Richard Gordon, ang donasyon aydirektang ibibigay sa Australian Red Cross.
Sa Lunes maaring matanggap na ng kinatawan ng Australia ang donasyon.
Umabot sa 26 na katao ang nasawi sa Australia habang 2,000 bahay ang nasira dahil sa bush fire.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.