Brig. Gen. Nolasco Bathan nag-sorry na kay Jun Veneracion
Humingi ng paumanhin si SPD director, Brig. Gen. Nolasco Bathan sa GMA reporter na si Jun Veneracion.
Ito ay matapos niyang kunin ang cellphone ni Veneracion habang nasa coverage ito ng Traslacion 2020.
Sinabi ni Bathan na nagpadala siya ng mensahe kay Veneracion at tinanggap naman nito ang kaniyang sorry.
Paliwanag ng opisyal kinumpiska niya ang cellphone ni Veneracion dahil inakala niyang banta sa seguridad ang pagkuha ng video ng reporter.
Hindi naman maipaliwanag ni Bathan kung paanong nabura ang video sa cellphone ni Veneracion at nanindigang hindi niya iniutos ang pagbura dito.
Ani Bathan, hindi siya perpektong tao at ang pag-amin ng kasalanan ay hindi karuwagan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.