Black boxes ng bumagsak na Ukrainian Airliner hindi ibibigay ng Iran sa US

By Dona Dominguez-Cargullo January 10, 2020 - 07:28 AM

Nanindigan ang Iran Civil Aviation Organisation na hindi ibibigay sa Boeing at sa Amerika ang black boxes ng bumagsak na Ukrainian airline.

Pahayag ito ng mga otoridad sa Iran dahil maaring pumasok sa imbestigasyon ang US, dahil ang Boeing ay naka-base sa Amerika kaya maaring pumasok sa imbestigasyon ng plane crash ang US National Transportation Safety Board (NTSB).

Nanindigan naman ang Iranian Civil Aviation Organisation na aksidente ang nangyari.

Base sa kanilang inisyal na imbestigasyon patungong kanluran ang eroplano nang umalis sa airport pero nakitang bumalik ito dahil sa problema sa engine.

Habang pabalik ay doon na bumagsak ang eroplano.

Ayon sa Iran, pwede namang magsagawa ng imbestigasyon ang Ukraine pero hindi sila papayag na ibigay sa Boeing at sa US ang black boxes ng bumagsak na eroplano.

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Iran, Iran Civil Aviation Organisation, News in the Philippines, PH news, plane crash, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ukrainian airline, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Iran, Iran Civil Aviation Organisation, News in the Philippines, PH news, plane crash, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ukrainian airline

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.