MPD, iimbestigahan ang pagkasira ng patrol car sa kasagsagan ng Traslacion 2020
Magsasagawa ng imbestigasyon ang Manila Police District (MPD) sa pagkasira ng isang patrol car sa kasagsagan ng Pista ng Itim na Nazareno, araw ng Huwebes.
Sa ibinahaging larawan ni Police Maj. Gideon Ines Jr. mula sa Makati police investigation division, makikitang nayupi ang ilang bahagi ng sasakyan.
Maliban dito, mayroon ding malaking crack ang windshield ng sasakyan.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na sinimulan na ng MPD ang imbestigasyon.
Ayon sa opisyal, posibleng masampahan ng kasong malicious mischief o damage to property ang mga responsable sa pagkasira ng sasakyan.
Sa ngayon, inaalam pa ng pulisya ang mga sangkot sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.