Sulop, Davao Del Sur niyanig ng mahinang lindol
By Angellic Jordan January 09, 2020 - 09:43 PM
Niyanig ng magnitude 3 na lindol ang Sulop, Davao del Sur Huwebes ng gabi.
Batay sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 17 kilometers Southwest ng nasabing bayan bandang 9:20 ng gabi.
Tectonic ang dahilan ng lindol at 23 kilometers ang lalim.
Dahil dito, naramdaman ang intensity 2 sa Magsaysay, Davao del Sur habang instrumental Intensity 1 naman sa Tupi, South Cotabato.
Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.