Andas ng Itim na Nazareno, naibalik na sa Quiapo Church matapos ang 16 oras na prusisyon
Naibalik na ang Andas ng Poong Itim na Nazareno sa Quiapo Church.
Ganap na 8:43 ng gabi nang maibalik ang Poong Nazareno sa nasabing simbahan.
Bago ito, bahagya pang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga pulis at deboto sa bahagi ng Villalobos Street.
Naging mahigpit ang “Andas wall” ng mga pulis hanggang sa pagpasok ng Imahen ng Itim na Nazareno sa simbahan.
Sinubukan pa kasing humabol ng mga deboto na makahawak sa Imahen ng Itim na Nazareno bago maibalik sa simbahan.
Tumagal ng 16 na oras ang prusisyon mula sa Quirino Grandstand.
Mas mabilis ito ng limang oras kumpara sa 21 oras na itinagal ng prusisyon noong 2019.
Ito rin ang pinakamabilis na Traslacion sa mga nakalipas na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.