Apela ni Cardinal Tagle sa mga deboto ng Nazareno, ipagdasal ang sitwasyon sa Middle East

By Jan Escosio January 09, 2020 - 07:26 PM

Nanawagan si Cardinal Luis Antonio Tagle sa mga deboto ng Poong Itim na Nazareno na isama sa kanilang pagdarasal ang kapayapaan sa Middle East.

Sa kanyang homiliya sa Misa para sa Itim na Nazareno, sinabi nito na dapat alalahanin na sa ilang bahagi ng mundo ay may panganib ng karahasan.

Aniya, ang lahat ay dapat umasa na hindi humantong sa digmaan ang mga karahasan.

Apela pa ni Tagle na dapat ding ipagdasal ang kaligtasan ng mga Filipino na nasa Middle East kasama na ang kanilang mga pamilya.

Samantala, nag-alay naman ng panalangin si Quiapo Church rector Monsignor Hernando Coronel para kay Tagle at ipinanawagan nito ang cardinal sa Itim na Nazareno.

Noong nakaraang Disyembre, itinalaga ng Santo Papa si Tagle bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples.

TAGS: Cardinal Luis Antonio Tagle, Cardinal Tagle, Middle East tension, pista ng Itim na Nazareno 2020, Traslacion 2020, Cardinal Luis Antonio Tagle, Cardinal Tagle, Middle East tension, pista ng Itim na Nazareno 2020, Traslacion 2020

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.