Mga basura sa dinaanan ng Traslacion, nalinis na

By Erwin Aguilon January 09, 2020 - 05:30 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Agad nilinis ng ilang street sweeper mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Manila City government ang mga basura na iniwan ng mga deboto sa mga kalsada na dinaanan ng prusisyon ng Itim na Nazareno.

Ayon sa ilang street sweeper, nakabuntot sila kung nasaan ang andas ng Nazareno para agad maalis ang mga kalat.

Taun-taon naman anila itong ginagawa para agad maligpit kung saan nilalagay sa isang trash bag at saka kinokolekta ng mga trak ng MMDA at Manila City government.

Ilan din sa mga nagtitinda ng bottled water ay kinukuha agad ang bote pagkatapos inuman ng mga mamimili upang hindi na makalat pa.

Pinupulit din ng ilan ang mga nakikitang walang laman na bote ng tubig.

TAGS: DPWH, Manila City Government, mmda, pista ng Itim na Nazareno 2020, Traslacion 2020, DPWH, Manila City Government, mmda, pista ng Itim na Nazareno 2020, Traslacion 2020

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.