DOE, pinagsabihan ni Sen. Gatchalian na samantalahin ang dalawang energy laws

January 09, 2020 - 05:19 PM

INQUIRER Photo

Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na samantalahin ang Energy Virtual One Stop Shop (EVOSS) Law at Energy Efficiency and Conservation Law para matiyak ang sapat na suplay ng kuryente sa panahon ng tag-init.

Kasunod ito ng pagbabala ng kagawaran na maaring magpatupad muli ng summer rotational brownouts dahil sa manipis na suplay ng kuryente.

Ayon sa namumuno sa Senate Committee on Energy, itinulak nila ang dalawang batas noong 17th Congress para mapadali ang proseso kaugnay sa mga power infrastructure projects.

Dapat aniya ngayon pa lang ay naghahanda na ang DOE ng contingency measures para mabawasan kung hindi man maiiwasan ang summer brownouts.

Hinihimok din ni Gatchalian ang DOE na pag-usapan na ang brownout schedules at suriin na ang power plants para tiyakin na hindi makakadagdag sa aberya ang hindi inaasahan pagbagsak ng mga ito.

TAGS: brownout sa tag-init, DOE, energy laws, Sherwin Gatchalian, brownout sa tag-init, DOE, energy laws, Sherwin Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.