Pag-imprenta sa balota, inurong ulit, sa Feb. 8

By Kathleen Betina Aenlle January 27, 2016 - 04:28 AM

 

Inquirer file photo

Labag sa loob na muling ipinagpaliban ng Commission on Elections (COMELEC) ang petsa ng pag-iimprenta ng balota.

Mula sa dating itinakdang petsa na February 1, iniurong na sa February 8 ang pag-iimprenta ng mga balotang gagamitin sa halalan sa Mayo.

Seryosong sinabi ni COMELEC Commissioner Christian Robert Lim na ito na ang pinaka-pinal at huling pagpapa-liban ng pag-iimprenta at kung mayroon na namang umapelang i-urong ulit ito, dapat handa silang i-urong na rin ang mismong eleksyon.

Ang unang petsang target ng COMELEC para sa pag-iimprenta ng balota ay January 26, ngunit iniurong ito ng en banc ng February 1 dahil kailangan pang isa-pinal ang listahan ng mga kandidato.

Ayon naman kay COMELEC Chair Andres Bautista, ang desisyon ng pagpapa-liban ng gawain ay maiging pinag-diskusyunan at ikinunsidera rin nila ang ilan pang mga nakabinbing kaso laban sa ibang mga kandidato.

Ani Lim, sa Feb. 1 na dapat nila ilalabas ang pinal na listahan, ngunit bumoto ang en banc na i-urong na lang ito ng Feb. 8.

Ito rin aniya ay bilang pag-tugon sa panawagan ng ilan para hindi sila mahusgahan na bumu-bulilyaso sa kandidatura ng ilang partikular na pulitiko o kaya naman ay pumapabor sa iba.

Mababatid na nasa deliberasyon pa sa Korte Suprema ang disqualification cases laban kay presidential candidate Sen. Grace Poe, habang naka-binbin pa sa COMELEC ang mga kasong diskwalipikasyon naman laban sa isa pang kandidato sa pagka-pangulo na si Mayor Rodrigo Duterte.

Giit ni Bautista, anuman ang maging desisyon sa mga nasabing kaso, mananatili ang kanilang desisyon.

Ngunit, aminado sina Bautista at Lim na umaasa silang maagang maresolbahan ang mga kaso laban kay Poe upang makatulong sa kanilang pagsasa-pinal ng listahan ng mga kandidato.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.