Panukala upang mapanagot ang mga mall operators sa mga nangyayari sa mga nakaparadang sasakyan sa kanila ihahain sa Kamara
Isusulong ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap ang isang panukala upang mapanagot ang mga mall operator sakaling may mangyari sa mga sasakyan na nakaparada sa kanilang mga hurisdiksyon.
Ito ay kasunod ng pambibiktima ng basag kotse sa kasamahan nito na si Rep. Nina Taduran sa parking area ng SM Centerpoint sa Aurora Blvd, Quezon City.
Sinabi ng mambabatas na kailangang liable ang mall management taliwas sa nakaugaliang practice na wala silang pananagutan sakaling may damage o mawala sa mga sasakyan ng mall goers habang nasa premises nila.
Nangangamba si Yap na sa mga susunod na pagkakataon hindi basag kotse lamang ang mangyari kung mas malalang krimen.
Hindi anya sapat ang sabihin ng management sa kanilang mga mall goers na park at your own risk lamang.
Kung ang isang kongresista nga anya ay nabibiktima nang ganito paano pa ang isang ordinaryong mamamayan.
Kasabay nito, nagpahayag ng mariing pagkundina sa Yap sa nangyaring basag kotse kay Taduran na natangayan na nasa P240,000 na gamit, alahas at cash gayundin ng mga ID at ATM cards.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.