Mga manyikang may ‘kaluluwa’ ng bata, papayagang sumakay sa eroplano sa Thailand
Isang air carrier sa Thailand ang pumayag nang makakuha ng kanilang sariling upuan ang mga tinatawag na “child angel dolls” o Luk Thep.
Ang mga naturang manyika, na mistulang mga totoong mga bata ay unang sumikat sa Thailand bansa makaraang makita ito na ‘inaalagaan’ ng ilang sikat na Thai celebrities.
Pinaniniwalaan na nagtataglay ng ‘kaluluwa’ ng sanggol o bata ang mga manyika at nagdudulot ng swerte sa sinumang ‘nag-aalaga nito.
Ayon sa Thai Smile Airways, kanilang pahihintulutan na ang kanilang mga pasahero na bumili ng tiket para sa kanilang mga ‘angel doll’ upang may sarili itong upuan sakaling sasakay ng eroplano.
Tulad ng isang regular na pasahero, kakailanganing palagian itong naka-seat-belt at bibigyan din ng pagkain at inumin.
Ang naturang hakbang ng Thai Smile Airways ay kasalukuyan nang tinatalakay ng Department of Civil Aviation upang makabuo ng mga kinakailangang polisiya at security regulations para sa mga ‘child angel dolls’.
Ang Luk Thep o ‘child angel doll’ ay nabibili sa Thailand at idinadaan sa isang ‘ritual’ upang maisalin dito ang kaluluwa ng isang bata.
Karamihan sa mga bumibili nito ay inaalagan na mistulang tunay na sanggol ang mga manyika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.