Suspendidong alkalde ng San Fernando, La Union bumaba na sa pwesto

By Rhommel Balasbas January 08, 2020 - 05:41 AM

Bumaba sa kanyang pwesto si San Fernando City, La Union Mayor Hermenegildo “Dong” Gualberto Martes ng gabi.

Sa kanyang opisyal na pahayag na ibinahagi sa Facebook, sinabi ng alkalde na ang pagbaba niya sa pwesto ay bilang pagtalima sa dismissal order ng Office of the Ombudsman.

Una nang sinuspinde ng Ombudsman si Gualberto noong May 2019 dahil sa umano’y maling paggamit ng pondo ng lokal na pamahalaan.

Nag-ugat ang suspension order sa reklamong inihain ni Barangay Chairman Samuel Jucar na sinuportahan ng 46 punong baranggay ng San Fernando City.

Pero ayon kay Gualberto, walang batayan ang mga paratang laban sa kanya.

Giit ng alkalde, paspasan ang naging paglilitis sa kanya ng Ombudsman at hindi siya susuko sa labang ito.

Dadalhin niya anya ang kaso sa mas mataan na hukuman para sa mas patas at angkop na pagsisiyasat.

TAGS: breaking news in Philippines, Inquirer News, La Union Mayor Hermenegildo “Dong” Gualberto, Office of the Ombudsman, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, San Fernando City, Tagalog breaking news, tagalog news website, breaking news in Philippines, Inquirer News, La Union Mayor Hermenegildo “Dong” Gualberto, Office of the Ombudsman, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, San Fernando City, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.