Senado, handa sakaling magdaos ng special session ukol sa tensyon sa Middle East

By Angellic Jordan January 07, 2020 - 08:20 PM

Handa na ang Senado sakaling magpadaos si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara ng special session ukol sa namumuong tensyon sa Gitnang Silangan, ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Sa inilabas na pahayag, handa ang Senado na makipagpulong para talakayin ang posibleng pagpapauwi sa mga overseas Filipino workers (OFW) sa Middle East.

Sa ngayon, sinabi ng senador na maaaring gamitin ng pangulo ang contigency fund sa ilalim ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kung kailanganin ng agarang pondo.

Suportado rin aniya nito ang plano ng pangulo na magtalaga ng Crisis committee upang tutukan ang pagpapauwi ng mga OFW sakaling sumiklab ang giyera sa pagitan ng Iran at Amerika.

Matatandaang inihayag ng Kongreso na hinihintay na lamang nila ang pormal na komunikasyon ng Malakanyang ukol sa posibleng ipatawag na speciel sesson.

TAGS: Sen. Juan Miguel Zubiri, special session, tension in Middle East, Sen. Juan Miguel Zubiri, special session, tension in Middle East

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.