CHR, iimbestigahan ang pag-ambush sa isang abogado sa Dumaguete City

By Angellic Jordan January 06, 2020 - 10:42 PM

Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pananambang sa isang abogado sa Dumaguete City, Negros Oriental.

In-ambush ng riding-in-tandem ang biktimang si Atty. Ray Moncada sa labas mismo ng bahay nito noong January 3.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia na paglabag ito sa rule of law anuman ang motibo sa likod ng pamamaril.

Naniniwala aniya ang CHR na isa sa mga paraan para mapigilan ang anumang klase ng pang-aabuso o karahasan ang pagpapakita ng govyerno na walang sinuman ang makakaangat sa batas.

Ayon pa kay de Guia, ipinag-utos na sa CHR Region VII ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa kaso.

Muling hinikayat ng CHR ang gobyerno na paigtingin pa ang pagkakasa ng mga aksyon para proteksyunan ang karapatan ng lahat ng tao.

Sa pagpasok ng Bagong Taon, sinabi pa ni de Guia na hamon ito para mapigilang madagdagan pa ang human rights violations na banta sa mga Filipino.

TAGS: Atty. Jacqueline Ann De Guia, Atty. Ray Moncada, CHR, Dumaguete City, Negros Oriental, Atty. Jacqueline Ann De Guia, Atty. Ray Moncada, CHR, Dumaguete City, Negros Oriental

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.