Ulat ni Robredo ukol sa drug war, “political attack” vs Pangulong Duterte – Aquino

By Angellic Jordan January 06, 2020 - 08:01 PM

“Mere political attack”

Ito ang inihayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino ukol sa inilabas na ulat ni Vice President Leni Robredo ukol sa kampanya kontra sa ilegal na droga.

Ani Aquino, political attack laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nakikita nito sa mga rekomendasyon ni Robredo.

Nakalulungkot aniya ang pahayag ni Robredo dahil tila binalewala nito ang lahat ng accomplishments at efforts ng gobyerno sa nakalipas na tatlong taon.

Sa kaniyang pagkakaalam, ayon sa PDEA chief, napagbabasehan ang tagumpay ng drug war sa bilang ng drug-cleared communities, crime index, trust rating ng publiko at tagumpay ng mga operasyon.

Nasa 16,706 na barangay na aniya ang drug-free simula nang ikasa ang war on drugs campaign noong 2016.

Mula sa 11,860, bumaba na lamang sa 5,000 ang mga naitalang krimen hanggang July 2019.

Iginiit pa ni Aquino na kuntento ang mga Filipino sa nasabing kampanya base sa mga isinasagawang survey.

Dahil dito, kinuwestiyon ni Aquino kung paano nasabi ni Robredo na bigo ang drug war.

Sinabi pa ng PDEA chief na tama ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan para labanan ang ilegal na droga sa bansa.

Patunay din aniya ito na gusto ng taumbayan ang aksyon ng pangulo sa programa.

Naglabas ng ulat si Robredo base sa kaniyang mga naobserbahan nang maitalaga bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

TAGS: drug war, PDEA Chief Aaron Aquino, VP Leni Robredo, war on drugs campaign, drug war, PDEA Chief Aaron Aquino, VP Leni Robredo, war on drugs campaign

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.