Inihain muli ni Senate Presidente Pro Tempore Ralph Recto ang kaniyang panukala na ilibre sa buwis ang overtime pay ng lahat ng mga manggagawa, pampubliko man o sa pribadong sector.
Unang inihain ni Recto ang panukala noong 15th Congress at layon nitong maamyendahan ang tax code para magkaroon ng exemption sa buwis ang overtime pay.
Aminado ang senador na mababawasan ang kita ng gobyerno sa kanyang panukala ngunit madadagdagan naman ang take home pay ng mga manggagawa at malaking tulong ito sa kanilang mga pang araw araw na gastusin.
Inaasahan na 26.7 milyon manggagawa ang makikinabang kapag ganap na naging batas ang Senate Bill No. 601 ni Recto.
Katuwiran nito, sa ngayon ay kinakaltasan ng buwis ang OT pay ng mga mangagawa kayat tila nababalewala lang ang karagdagang oras na kanilang ginugugol sa trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.