Presyuhan ng langis pinababantayan ni Sen. Koko Pimental sa DOE

January 06, 2020 - 12:10 PM

INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
Dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Amerika at Iran, hinikayat ni Senator Aquilino Pimentel III ang Department of Energy na bantayan ang galaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Ayon kay Pimentel, ang dapat din tutukan ay ang mga bansa na pinagkukunan ng suplay ng langis ng Pilipinas sa katuwiran na sa patuloy na pagsirit ng presyo ng krudo ay maaring mapektuhan ang ating ekonomiya.

Dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Foreign Relations dapat ngayon pa lang ay naghahanap na ang DOE ng ibang maaring mapag-angkatan ng langis dahil sa kaganapan sa Gitnang Silangan.

Diin ng senador mas makakabuti ng advance mag-isip para maayos na makapaghanda.

Aniya maaring mag-import ng langis ang Pilipinas sa Russia at sa ganitong paraan ay mapapagtibay pa ang relasyon ng dalawang bansa.

Nagsimulang umangat ang presyo ng langis nang mapatay sa US drone attack sa Baghdad International Airport si Iranian Qasem Soleimani.

TAGS: Department of Energy, Inquirer News, Iran - US tension, News in the Philippines, oil price, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Senator Koko Pimentel, Tagalog breaking news, tagalog news website, Department of Energy, Inquirer News, Iran - US tension, News in the Philippines, oil price, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Senator Koko Pimentel, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.