Naiwang US $2,100 ng isang pasahero sa NAIA naibalik sa may-ari

By Dona Dominguez-Cargullo January 06, 2020 - 10:45 AM

Pinapurihan ang dalawang twauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos isauli ang 21 piraso ng 100 US Dollars na kanilang nakuha matapos maiwan ng pasahero.

Ayon kay Office for Transportation Security (OTS) Administrator Usec. Raul L. Del Rosario, ang pera ay isinauli nina Security Screening Officers Donn Mark Rivera at Luzviminda Galivo.

Ang dalawa ay nakatalaga sa terminal 1 ng NAIA.

Kabuuang US $2,100 ang halaga ng pera o katumbas ng P105,000 na naiwan sa Final Security Screening Checkpoint sa paliparan.

Sinabi ni Del Rosario na bibigyang pagkilala ang dalawa dahil sa katapatang ipinamalas ng mga ito.

TAGS: Inquirer News, naia terminal 1, News in the Philippines, Ninoy Aquino International Airport, Office for Transportation Security, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, naia terminal 1, News in the Philippines, Ninoy Aquino International Airport, Office for Transportation Security, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.