PNP muling maghihigpit sa timbang ng mga pulis
Sa pagpasok ng taong 2020 magpapatupad ang Philippine National Police (PNP) ng bagong alituntunin para sa tamang timbang ng mga pulis.
Ayon kay PNP-OIC Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa, may bagong rules na ipatutupad kung saan oobligahin ang lahat ng PNP personnel para sundin ang kanilang tamang BMI o body mass index.
Nais ni Gamboa na maging conscious sa kanilang timbang ang mga pulis dahil importanteng naipakikita ng mga otoridad na sila ay responsable sa kanilang pangangatawan at kalusugan.
Ani Gamboa, sasakupin ng kautusan mula itaas hanggang sa pinakamababa sa PNP.
Ibig sabihin ani Gamboa, kasama siya sa dapat na sumunod sa tamang BMI.
Sa ngayon ani Gamboa may naipon siyang ilang dagdag na pounds bunsod ng nagdaang holiday season pero hanggang sa Biyernes ay kaya niyang maabot ang kaniyang BMI.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.