Fast craft na may lulang mahigit 200 pasahero sumadsad Plaridel Port sa Misamis Occidental

By Dona Dominguez-Cargullo January 06, 2020 - 08:54 AM

Nagpapatuloy ang rescue operations sa halos 300 mga pasahero ng isang fast craft makaraang sumadsad ito sa Plaridel Port sa Misamis Occidental.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Coast Guard Spokesperson Capt. Armand Balilo, 271 ang pasaherong sakay ng Ocean Jet 7 nang ito ay sumadsad habang paalis sa pantalan ngayong umaga ng Lunes (Jan. 6).

Na-stranded sa loob ng barko ang mga pasahero bago tuluyang mai-rescue.

Hinihintay sana ng kapita ng barko ang high tide pero nakitaan ng crack ang kanang bahagi ng fast craft na maaring pasukan ng tubig kaya nagpasaklolo na sila sa coast guard.

As of 8:30 ng umaga sinabi ni Balilo na isangdaang pasahero na ang naibaba.

Nagpapatuloy pa ang pagsagip sa iba pang mga pasahero.

TAGS: 2 fast 2 furious, coast guard, fast craft, Inquirer News, News in the Philippines, Ocean Jet 7, PH news, Philippine breaking news, rescue operations, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2 fast 2 furious, coast guard, fast craft, Inquirer News, News in the Philippines, Ocean Jet 7, PH news, Philippine breaking news, rescue operations, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.