Mga pabalik sa Metro Manila, unti-unti nang dumadagsa sa NLEX; SLEX, maluwag pa

By Angellic Jordan January 05, 2020 - 04:54 PM

PHOTO CREDIT: @NLEXexpressways/TWITTER

Unti-unti nang dumadagsa ang mga pabalik sa Metro Manila.

Ito ay matapos ang pagdaraos ng holiday season sa nagdaang Pasko at Bagong Taon.

Ayon sa North Luzon Expressway (NLEX) Corporation, nagsimula nang kumapal ang dami ng sasakyan sa Bocaue Toll Plaza southbound bandang 4:27 ng hapon.

Mabagal na ang takbo ng mga sasakyan sa Balintawak southbound bandang 4:21 ng hapon.

Slow moving din ang mga kotse sa bahagi ng Mexico southbound dahil sa mga napaulat na aksidente.

Tiniyak naman ng NLEX Corporation na naialis na ang mga sangkot sa aksidente.

Maluwag naman ang bahagi ng Mindanao Exit at Viaduct southbound.

PHOTO CREDIT: @NLEXexpressways/TWITTER

Samantala, sa South Luzon Expressway (SLEX), light traffic ang nararanasan sa Alabang Viaduct, Ayala Toll Plaza at Calamba Toll Plaza northbound at southbound bandang 3:52 ng hapon.

Pinaalalahanan din ang mga motorista na bukas ang bagong ramp sa Alabang Viaduct northbound para sa mas mabilis na pagbiyahe.

TAGS: 2019 holiday season, NLEX, SLex, 2019 holiday season, NLEX, SLex

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.