Mga petisyon kontra provincial bus ban ng MMDA ibinasura ng Korte Suprema
Ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyon na kumukwestyon sa provincial bus ban ng MMDA sa EDSA.
Sa inilabas na notice ng Supreme Court en banc, ipinaliwanag na nilabag ng mga petitioner ang doktrina hingil sa hierarchy of courts sa ginawa nitong paghahain ng petisyon.
Ayon sa SC, ang pagpapalabas ng writ of certiorari ay hindi lang ekslusibong kapangyarihan ng mataas na hukuman kundi pwede ring itong ilabas ng Regional Trial Courts at ng Court of Appeals.
Ayon pa sa SC, ang pagkwestyon ng mga petitioner sa pahayag ng MMDA na makapagpaluwag sa daloy ng traffic ang bus ban ay mangangailangan ng statistics o verified data.
Dahil dito, dapat itong dinggin muna sa CA o sa mababang korte.
Kabilang sa mga petitioner sa nasabing usapin ang mga sumusunod:
– AKO Bicol party-list chairperson Aderma Angelie Alcazar, Ronald Ang at Alfredo Garbin Jr.
– Rep. Joey Salceda
– Makabayan bloc
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.