Batanes apektado ng malamig na panahon sa ilang bansa Southeast Asia

By Dona Dominguez-Cargullo January 26, 2016 - 10:26 AM

cold-weatherKung dito sa Metro Manila hindi gaanong naging malamig ang panahon bunsod ng mahinang epekto ng amihan, nakararanas naman ng malamig na panahon sa Batanes.

Ayon kay PAGASA forecaster Glaiza Escullar, naging malamig ang panahon sa Batanes nitong nagdaang mga araw.

Kahapon umabot sa 12 degrees Celsius ang pinakamababang temperatura sa Batanes.

Malapit na ito sa 11.4 degrees Celsius na pinakamababang temperatura na naitala sa Batanes sa kasaysayan.

Sinabi ni Escullar na epekto ito ng malamig na panahong nararanasan sa maraming lugar sa Southeast Asia.

Samantala, kaninang alas 5:00 ng umaga, naitala sa PAGASA Science Garden sa Quezon City ang pinakamababang temperatura sa Metro Manila na 23.3 degrees Celsius.

Habang kanina ring alas 5:00 ng umaga ay 10.8 degrees Celsius naman ang naitala na temperatura sa Baguio City.

TAGS: cold temperature, cold temperature

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.