Restaurant na nagkaroon ng ‘gas leak’ sa Makati ipinasara

By Dona Dominguez-Cargullo January 03, 2020 - 04:23 PM

Pansamantalang ipinasara ang restaurant sa Makati City na nagkaroon ng pagsabog noong Huwebes (Jan. 2) ng gabi dahil sa gas leak.

Isinilbi ng Makati police at mga tauhan ng Business Permit Office ng Makati City Hall ang closure order sa Judianchuanba Restaurant sa Barangay San Antonio.

Ito ay dahil sa paglabag ng restaurant sa Section 4A.01 ng Revised Makati Revenue Code City Ordinance No. 2004-A-025 na nagtatakda ng guidelines sa mga establisyimento sa lungsod.

Ayon kay Makati police chief Col. Rogelio Simon, natuklasan ng Makati Business Permit and Licensing Office na walang business permit ang restaurant.

Noong Huwebes ng gabi ay nagkaroon ng pagsabog sa restaurant dahil sa gas leak kung saan apat na Chinese Nationals ang nasaktan.

Kabilang sa sugatan at ginagamot sa Makati Medical Center ay ang cook ng restraurant na si Cao Yue Qzang, at mga staff na sina Zhang Liang, Tang Ting, at Yun Long Liu.

 

TAGS: gas leak, gas leak explosion, inquirer, makati restaurant, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, gas leak, gas leak explosion, inquirer, makati restaurant, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.