Coast Guard nagsasagawa ng search and rescue operations sa nawawalang lalaki sa Negros Oriental

By Dona Dominguez-Cargullo January 03, 2020 - 11:37 AM

Nagsasagawa ng search and rescue operations ang Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatang sakop ng Cangmating Sibulan, Negros Oriental para mahanap ang isang lalaki na iniulat na nawawala.

December 29, 2019 huling nakita si Nelson Jarnais sa pampang sakay ng motorsiklo.

Ayon sa asawa ni Jarnais na si Chona Jarnais, hindi na ito nakabalik ng kanilang tahanan.

Humingi ng tulong si Chona sa PCG Sub-Station sa Amlan, Negros Oriental para mahanap ang nawawalang asawa.

Nakipagtulungan ang coast guard sa Special Operation Unit (SOU) ng Negros Oriental at sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng Sibulan, Negros Oriental para mahanap si Jarnais.

The joint rescue team temporarily terminated the operations due to the heavy weather condition prevailing at the said vicinity waters.

Inabisuhan na rin ng coast guard ang mga lokal na mangingisda sa lugar para hanapin si Jarnais.

TAGS: Cangmating Sibulan, coast guard, inquirer, MISSING PERSON, NDRRMC, Negros Oriental, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Cangmating Sibulan, coast guard, inquirer, MISSING PERSON, NDRRMC, Negros Oriental, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.