DOTr nagpaliwanag sa pagtaas ng dagdag presyo sa stored value na Beep Card

By Dona Dominguez-Cargullo January 03, 2020 - 11:25 AM

Naglabas ng paliwanag ang Department of Transportation (DOTr) sa pagdaragdag ng singil sa card issuance ng stored value na BeepCard.

Ayon sa DOTr, walang dagdag sa actual fare o pamasahe sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3.

Ang dagdag presyo ay magre-reflect lamang sa issuance fee o kapag bumili ng stored value ng Beep Card.

Paliwanag ng DOTr, ang dagdag sa Card Issuance Fee ay automatic provision na nakasaad sa concession agreement na nilagdaan ng DOTr at ng AF Payments Inc. noong March 31, 2014.

Una nang naglabas ng abiso ng LRT-2 na mula P20at magiging P30 na ang halaga ng stored value na Beep Card.

Ang naturang card ay hindi naman kailangang paulit ulit bilhin ng mga pasahero.

Matapos nila itong bilhin sa halagang P30 ay papaloadan na lamang ito para kanilang magamit.

TAGS: beep card, Card Issuance Fee, inquirer, issuance fee, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, stored value, Tagalog breaking news, tagalog news website, beep card, Card Issuance Fee, inquirer, issuance fee, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, stored value, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.