2020 national budget lalagdaan na ni Pangulong Duterte sa Lunes
Sa Lunes, January 6 lalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P4.1 Trillion national budget para sa taong 2020.
Ayon kay Presidential Legislative Liason Office Secretary Adelino Sitoy, gaganapin ang ceremonial signing sa Malakanyang.
Hindi naman kinumpirma ni Sitoy kung may mga bahagi o probisyon sa pambansang buget na ive-veto ang pangulo.
Una rito ay sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na na maaring i-veto ng pangulo ang ilang unconstitutional provisions sa 2020 budget matapos sabihin ni Senator Panfilo Lacson na mayroon pa ring insertions ang Kamara na aabot sa P83 billion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.